Tuesday, January 19, 2010

School is Crazy!!

January 19, 2010 -- Birthday ng aming minamahal na principal (wow!). So medyo nagising ako ng maaga. Pagkadating ko sa school naglalabasan na ang mga estudyante. Kaya nagmadali ako, alam ko nang hindi na pinapapasok sa loob ng classroom ang mga late, kelangan diresto hanay na. But luckily biglang umalis ang guard at dali dali akong pumasok (wahahaha). Pagkalabas ko ulit, nice naman umambong ng medyo malakas kaya pinapasok kaming lahat. Pagkapasok, tumila na ang ambon eto na namn labas ulit! Thank God hindi na umambon, nagkaron muna kami ng Thanksgiving Mass. After that nag-start na yung program. Weeeh so cute ng mga elementary haha chubby nila. Bawat level nag present ng performance no. Wooohooo! Galing talaga ng mga JUNIORS!! Asteeeg. Then after nung program pasok na kami sa loob ng campus, ayun walang ginawa kundi tumungaga. Lunch time na, nag-bell at nag Angelus na. Bumili na kami ng pagkain sa canteen tapos kainan na! After a few minutes tong kaklase kong baliw sabi half day lang, kami hindi naniniwala. Tapos maya-maya dumating teacher namin at sinabing HALF DAY lang talaga kami! Pero 4th year at 3rd year lang, may Parent's Meeting kasi eh. Kaya ayun rock n' roll, tuwa naman kami. And ooh maalala ko nga pala cleaner ako this day, haaaaaay super malas todo linis kami ng room eh. Wanna know ba kung san tungkol yung meeting? Well tungkol yon sa JS Prom namin. Traditional na kasi sa school namin na may JS, yun nga inaabangan sa town namin eh, few days ago nalaman na lang namin na wala pa lang JS, ooooh my gosh! masisira ata mundo ko. Pero Thank God ulit imbis na JS PROM eh MASQUERADE BALL na lang daw, oh diba sosyal? LOL! Mas malaki gastos! Sa yon, yan na yon ;)

0 comments:

Post a Comment