Thursday, December 31, 2009

Ilang oras nalang 2010 na!

Wahaha! Napakaingay na ng sangkatauhan, merong nagpapatugtog,nagpapaputok ng paputok at kumakahol sa karaoke, LOL! Supeeeeeer excited na ako sa party namin this evening, syempre hindi mawawala dyan ang EXCHANGE GIFT. Wonder kung sino ang nakabunot sakin. Ngayong araw hindi nawala sa family namin ang pagmo-mall, kasi bumili mommy ko ng karne para pandagdag sa barbeque. Geeeh daming tao sa mall, nagliliwaliw ang mga madlang people. Pagdating sa Walter Mart, pili pili ng mga bibilhin tas pag line na sa counter, haay super haba ng line so lumabas muna kami ng mga daddy ko kasama ng 2 kong kapatid. We wait for about 30 minutes, tapos ayun sa wakas si mudra na nagbabayad. After that merienda time na! Sakin tsaka sa mga kapatid ko waffles ang binili, kay mommy i dunno kung ano yun eh basta Japanese food tapos sa daddy shawarma. We go back in the car para kumain muna tas pagkakain akyat sa 2nd floor ng mall.And oooh nakita ko dati kong crush na hanggang ngayon tinutukso parin sakin ng elem. classmates ko, sa store na dapat bibili ako ng cd kaso I saw him nga kaya umiwas ako para kunwari dedma, huh nandyan pa naman daddy ko. Bakit ba ayaw nilang kalimutan yon, grade six pa naman kami non, porkit ba naging emyu kami haha (talagang tagalog ih!). My motto ika nga --PAST IS PAST AND LET'S FACE THE FUTURE. LOL! I don't know kung nakita nya ko. Gumala muna kami ng ilang minutes tas umuwi na. Nag-prepared na ng meals ang mommy at daddy ko para ngayong gabi. So ayun mamaya na ang party, kwento ko nalang sa inyo later kung ano mangyayari :)

0 comments:

Post a Comment